Dear Charo...
Ako po ay pinalaking Katoliko, masasabi pong devout believers ang aking pamilya.
Ngunit nitong mga nakaraang araw, ay parang sinapian ako ng 72 kampon ni Solomon.
Makulay ang mga salitang lumalabas sa aking bibig, sa tuwing mag-a-unlock ako ng premium chapter. Kung magiging art supplies lamang ang aking mga salita, kayang kaya ko sigurong magsupply sa National Bookstore sa buong Pilipinas, sa katunayan, pwedeng mag-invest ang NBS at magkaroon ng branches sa ibang bansa....
Charo, isa akong napakabait at kagalang-galang na bata.
Ngunit, even my infinite patience is reaching its limits... (di ko na kayang i-Tagalog lol)
Such insolence, such shamelessness, a lesser monarch might be enraged...
Ganoon pa man, hindi ko pa rin maiwan ang Webnovel Charo. Para akong battered, Pavlov's dog Takusa na may Stockholm Syndrome.
To repeat the same action and expect different results, is MADNESS !
Yes! I am mad, Charo... noon, I thought that I'm just a little unwell, pero noong bumagsak sa 300 ang SS ko, parang may nabasag sa kaibuturan ng aking isip...
itutuloy...